HOME
SAYING GOODBYE TO THE 103 DAYS OF RELOAD
Can you still remember the event happened in July 12 2004, Monday
at 5:30 PM? It was one year ago, nang magsimula ang first episode
ng pinaka-inaabangan at pinakahihintay ng napakarami ang first-ever
youth oriented teleserye ng Star Circle Teen Quest's magic circle
of 10, ang SCQ RELOAD, OK Ako!. Napakainit nang pagtanggap
ng hindi mabilang na fans ng SCQ teens sa SCQ Reload every
week-afternoons at 5:30 PM. Kaya naman, nabuo ang tagline sa mga estudyante
na: "Pagkatapos ng klase, uwi kaagad at mag-reload agad!".
Araw-araw na sinubaybayan at tinutukan ang youth oriented drama ng SCQ teens.
Di katagalan, due to insisten public demand, ang favorite teen drama ng buong bansa
ay inilipat on a Sunday afternoon slot. Kaya naman, di maikakailang, patuloy pa rin
nilang inilalampaso ang katapat. Making them, as proven, the no. 1 youth oriented
drama sa buong bansa.
Hindi nga naman malilimutan ang mga super kilig talagang love stories
nina Michelle-Joseph-Melissa, Neri-Joross-Roxanne and siyempre ang Hero-Sandara
love team. Remember mo pa ba ang mga krung-krung at kilig scenes ng mag-irog
na Pinoy at Koreana. At first ay ayaw na ayaw ni Sandy kay Hero dahil akala niya
it was Peter, her ex-boyfriend na niloko siya. But because of Hero's unforgettable
pagsuyo to her, ay nauwi din sa tunay na pag-iibigan ang dalawa. Ang guwapong
si isaw boy na super crush ni Mel? Melissa used to be a secret admirer to Joseph
until one day ay ni-reveal niyang ang real love niya for her friend Seph. Pero,
ang long time moks ni Seph na si Mich, ay ang lihim pala niyang iniibig. Hindi ba,
kunwari pa si Mich na di niya like ang moks niyang si Isaw boy. And, sino ba namang
makaka-forget sa unforgettable kissing scene nila na punung-puno pa ng pintura
sa mukha? Nung una, Mel felt bitter for it pero dahil Mich and Seph were her best friends,
she accepted na the fact that they're both in love for each other. Nagkaroon din
ng love triangle between Neri, Joross and Roxanne. Neri was the girl who dumped
Joross easily after a long time of relationship. It was hard for the broken hearted
Joross, until he met Roxanne. Ang t-shirt ang sumisimbolo sa kanilang dalawa.
At dahil sa t-shirt na iyon ay nagsimula ang love between Joross and Roxanne.
Pero hindi naging ganon kadali para kay Joross na maging girlfriend ni Roxanne.
Marami ang nainis, naawa at siyempre kinilig ng halos dumaan sa butas ng karayom si
Joross para masuyo lang ang strict daddy and terror grandma ni Roxanne. And sa hinaba
haba nga naman ng prusisyon, hindi ba, sa gitna lang ng sunog naipagtapat ng dalawa
ang love sa isa't isa making them oficially boyfriend-girlfriend.
On Season 4 of SCQ Reload ay maraming pagbabago. April 24, Sunday,
the newest SCQ Reload Kilig Ako! premiered on nationwide television.
Dahil nga, Sandara Park has to leave for Korea, the pop princess Sarah Geronimo
ang naging bagong kabarkada sa newest season ng SCQ Reload.
Ang ilan ding teens ng Star Circle National Teen Quest ay pumasok na
din sa istorya, like OJ, Marla, Vanessa, DM, Janelle, Jason and Charles. Maraming
bagong nakatutuwa ang nakakakilig na scenes sina Sarah at Hero and of course
the lovers Joross and Roxanne.
And finally, after one year, from July 12 2004 to June 12 2005, SCQ Reload
has to say its goodbye. Maraming avid viewers ang siguradong sad for the farewell
of our favorite afternoon teen drama. Pero magtapos man ang talagang kinakiligan
at tinutukang istorya na sadyang maganda, ay mananatili pa rin sa puso ng bawat
Kapamilyang manonood ang aral at pag-ibig na iniwan ng SCQ Reload.
And everybody has to agree, na ang no. 1 show na ito ay talagang: OK at Kilig!.
Thank you very much.