Make your own free website on Tripod.com

NEWS

Hero HERO, binastos ng isang manghuhula!
(January 03 2005)

NAGING mainit na balita ng nangungunang Showbiz No. 1 last week ang tungkol sa isang manghuhula namely Rene Mariano sa buwelta nito laban kay Cristy Fermin, na nagsulat sa column nito na pekeng manghuhula daw siya. Masama ang loob ni Rene Mariano sa matapang na manunulat at reporter at iginiit ang isinulat nitong pekeng manghuhula siya. Pero aminado siya na hindi lahat ng hula niya ay nagkakatototoo. Nagsimulang isulat ni Cristy Fermin ang patututsada niya sa manghuhulang si Rene Mariano sa kaniyang column sa Bulgar, nang pinakawalan nito noon ang hulang hindi daw sisikat si Hero Angeles. Kasagsagan ito ni Hero sa Star Circle Teen Quest. Ngayong nagkamali ang manghuhula sa kaniyang hula kay Hero, dahil sikat na sikat na ngayon ang SCQ Grand Teen Questor at malayo na rin ang naabot, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa mali na naman niyang hula. Pero isang diretsahang tanong ang isinagot nito: "Sikat ba si Hero?! Oh baka si Sandara lang ang nagdadala sa kaniya?!..". Yan ang prangkahang sabi ng manghuhulang si Rene Mariano laban kay Hero. Maraming nainis at nag-react ng masama sa sinabi ng manghuhula. Pagkatapos ng airing ng kaniyang interview, ay parang nagkapare-pareho ang galit ng mga Hero fans laban sa manghuhulang nambastos kay Hero. Isa raw itong pambabastos sa sikat na teen actor. Hindi malaman kung may galit ang manghuhulang si Rene Mariano kay Hero o hindi lang talaga niya gusto ang binata kaya nagpakawala siya ng masasakit na salita sa Showbiz No. 1 last week. Tama ba namang bumuwelta siya ng ganito: "Sikat ba si Hero?! Oh baka si Sandara lang ang nagdadala sa kaniya?!.."? Para na rin niyang pinatunayan ang mga isinulat ni Cristy Fermin na pekeng manghuhula siya. Huwag na siyang umasang may maniniwala o papatol pa sa hula niya, or baka wala nang magpahula sa kaniya. #


Hero SANDARA, natalbugan na talaga si JENNYLYN!
(January 03 2005)

MADALAS laman ng mga pinoy entertainment or showbiz magazines si Sandara. Kung hindi man siya cover, ay palagi yatang may features about sa sikat na Koreana. IN siya palagi sa mga nangungunang pinoy entertainment magazines ngayon like Star Studio, Yes!, Movie Star, The Buzz Mag at kahit sa baguhan pa lamang na Hi!. Obviously, ay mahal na mahal siya ng mga mabentang magazines. Sobra na kasi talaga ang kasikatan ni Sandara. Sa mga shows niyang top rated, mga naglalakihang commercials at sandamakmak na endorsements, pati na rin mga shows at guestings. Hindi pa rin mawawala na pagkumparahin sila ni Jennylyn Mercado na parating ikinakabit sa pangalan niya. Never pang nagmeet ang dalawa, pero hindi makakailang kilala nila ang isa't isa sa pangalan sa showbiz. As of now, usap usapan and proven na rin naman na natalbugan na ni Sandara si Jennylyn. Bukod sa mas marami ang shows and guestings niya saan man panig ng bansa, ay mas maraming endorsements and commercials si Sandara kesa kay Jennylyn. Sa kaniyang mga TV shows, talagang consistent na mataas ang ratings nito. Unlike to Jennylyn's Forever in My Heart na inilalampaso noon pa man ng Hiram hanggang ngayon ng Star Circle National Teen Quest. Ang SOP Gigster, talo pa rin ng ASAP Fanatic. Naunang nagkaroon ng album si Jennylyn kay Sandara, pero mas naunang nag-gold ang album ni Sandy kay Jennylyn. Sa movies, certified box-officed hit ang Bcuz Of U ni Hero-Sandara, at hindi pa nagkakaroon nito sina Jennylyn-Mark. Kaya hindi talaga maikakaila, natalbugan na nga talaga ni Sandara si Jennylyn. #


Hero HERO, nililigawan na si MELISSA?
(December 11 2004)

MAIKLI lamang ang balitang ito na latest para sa Fab 5. Unti unti nang lumalaki ang balita na si Melissa daw ang Melissa pinakabagong nililigawan ni Hero. Nagsimula ito sa 'Wanted' portion ng The Buzz, na hindi na nga daw itong si Sandara ang nililigawan daw ni Hero. Marahil nga nabihag na si Hero ng ganda ni Melissa kaya sa kaniya siya ngayon nagpapalipad hangin. Ang hinala naman ng ilan ay baka daw basted na ang SCQ's Grand Questor ni Sandy, o kaya hindi rin naman pala niya gusto si Sandy at si Melissa ang mas gusto niya kaya ito ang nililigawan niya. Totoo kayang onscreen lang ang lambingan at loving loving nila Hero and Sandara and hanggang love team lang talaga sila. Wala pa ring linaw between Hero and Melissa kung may ligawan ngang magaganap. May rigodon na nga bang nagaganap sa Fab 5? Si Joross din daw ay nanliligaw kay Sandara, at ngayon si Hero kay Melissa. Sana'y linawin na nila Hero and Melissa ang wala pa ring kasagutang isyung ito. #


Joross Nabuntis nga ba talaga ni JOROSS si Katherine Luna? (December 11 2004)

ITO na yata ang pinakamalaking intriga na hinarap ni Joross. Ang latest na nababalita sa kaniya na siya daw ang ama nang ipinagbubuntis daw ni Katherine Luna. Balita daw na buntis itong si Katherine at si Joross daw ang ama dahil nabalitang nag-one night stand na daw sila sa Condo ng sexy star. Napaghahalataan daw kasi ng ilan ang kakaibang ikinikilos ni Katherine kaya sinasabing buntis daw ito. Nang ininterview si Katherine Luna sa Showbiz No. 1 ay hindi pa nito kinlaro kung buntis pa siya at nag-iwan lang ng mensahe na if ever buntis siya at si Joross ang ama, ay hindi daw ito maghahabol sa actor na ilang beses nang nagdedeny sa kaniya bilang kaibigan. Kaya naiwan ang tanong kung may nangyari na ba sa dalawa dahil sa mga iniwang mensahe ni Katherine. Sinagot agad ni Katherine sa Ek Channel na hindi daw siya buntis ay mas lalong hindi si Joross ang ama. Masama nga lang ang loob niya kay Joross na idine-deny siya palagi bilang close friend. Concern pa nga ito kay Joross dahil hindi daw niya intensyong guluhin ang career nito. Pero tanong pa rin para sa marami, may nangyari na kaya sa dalawa, considering na nag-one night stand na daw sila at nanood ng DVD's and si Joross ang una nang naiturong ama nang mabalitaang buntis si Katherine. #


Sandara Angelica Jones, sinulot ang kanta na para kay SANDARA! (December 11 2004)

ANG bagong kanta ni Angelica Jones ngayon na Haller under Star Records ay plano dapat para kay Sandara ng ABS-CBN. Ang una ay pinagpipilian sina Sandara Park and Angelica Jones ng Star Records para maging artist sa pinakabagong novelty song na hango sa sikat na expression, ang Haller. Pero nang maging gold at makabenta ng milyon ang album ni Sandara, ay napagdesisyunan na siya na lang ang kakanta ng Haller. Nang malaman daw ito ng mag-inang Angelica at Beth Jones, na umaasang si GR ang kakanta ng novelty song, ay sumugod sila sa management ng Star Records. Ayon sa The Buzz Magazine, ay nag-iiiyak daw ang kontrobersyal na mag-ina sa pamunuan ng Star Records para si Angelica na lang ang pakantahin ng Haller. Todo pa-awa effect daw si Angelica lalo na daw ang nanay nito sa Star Records, kaya sa sobrang awa ay kay Angelica Jones na lang daw ibinigay ang bagong novelty song. Kaya ngayon, kasama sa Christmas Album ng Star Records entitled Hataw Na Pasko Na! ay ang kantang Haller by Angelica Jones. Umasa rin sana si Sandara na may bago siyang pasisikating kanta, pero wala na saw siyang magagawa dahil kay Angelica na nga ito napunta. Maraming fans ni Sandara ang galit at inis na inis kay Angelica Jones dahil sa pagsulot nito sa kanta na para dapat talaga kay Sandara. Mas maghihit naman daw kasi ang Haller kung si Sandara ang bibirit. Obviously, sobrang naghit ang original songs ni Sandara na IN or OUT at Walang Sabit, unlike to Angelica's latest novelty song na Ms. Flawless na hindi man lang daw halos napansin ng masa. Goodluck na lang daw si GR Jones dahil nababalitang may resbak na gagawin ang ilang Sandaranians. #


Joross Cristine Reyes, hindi niligawan ni JOROSS! (December 06 2004)

ININTERVIEW si Cristine Reyes sa Star Talk last Saturday tungkol sa mga lalaking umaaligid-aligid daw sa kaniya. Sa mga di na nakakaalala, si Cristine Reyes ay isang Star Struck Avenger na younger sister din ni Ara Mina. Ayon sa kaniyang interview ay nagtetext din daw pala si Mark Herras sa kaniya na kinasasamaan din niya ng loob dahil dine-deny siya nito. Si Marc Cortez din ng TV Idol ay nagpapalipad hangin sa kaniya. At siyempre, si Joross din daw na kinainisan ni Ara Mina dahil dinedeny daw ni Joross na nanligaw siya kay Cristine. Pero ayon na rin kay Cristine ay close lang daw sila ni Joross. Close lang daw?! Sinabi na rin noon ni Joross na kailanman ay hindi siya nanligaw kay Cristine o kahit pagtatangkang panliligaw ay wala. Eh bakit naman kaya galit daw itong si Ara Mina kay Joross dahil dineny ng young actor na nanligaw ito kay Cristine, gayong mismong ito na si Cristine ang nagsabi na hindi siya niligawan or nililigawan ni Joross? Ano naman kayang probleman ni Ara Mina kay Joross? Maraming nagtaas kilay sa inis sa interview kay Cristine sa Star Talk last Saturday. Nagmamaganda kasi ang Avenger, kasi ba naman may Mark Herras na ng Kapuso, may Marc Cortez and Joross Gamboa pa ng Kapamilya. Hindi pa binanggit ang pangalan ni Joross o kahit ni Marc Cortez sa interview na para bang hindi siya interesado at mas interesado siya sa Mark ni Jennylyn. And pansin lang namin, bakit madalas idinedeny itong si Cristine ng mga nagiging close sa kaniyang boys sa showbiz. Una, idineny daw siya ni Joross, dineny rin siya ni Marc Cortez sa isang guesting sa Kapamilya, ngayon naman dineny na naman siya ni Mark Herras na nagtetext ito sa kaniya. Ewan ko lang and wala na rin siguro tayong pakialam dun diba?! #


Sandara After John Wayne, Patrick, Luis.. SANDARA may John Lloyd naman ngayon!
(November 26 2004)

ANO ito?! Si Sandara may bagong lalaki na naman! Ano na nga ba talaga si Hero sa kaniya? Minamahal o sadyang nagmamahal lang? Marami na ring young idols sa Showbiz ang na-link kay Sandy. Like John Wayne Sace of the popular dance group Anime na umaming nanligaw kay Sandara noong kasagsagan niya as questor sa Star Circle Quest Season 1. Pero ang wala pa ring linaw ay naging mag-on daw sila pero hindi daw umabot 1week. Next was Patrick Garcia na of course alam naman nationg ultimate crush nitong si Sandy sa Showbiz. Nag-take advantage naman yata ang young actor dahil panay ang pa-cute at pasama-sama nito kay Sandy after knowing na infatuated ang Korean sa kaniya. Kaya natsismis din silang dalawa na may relationship. Lumala pa ang balita nang nag-break daw si Patrick and kaniyang girlfriend na si Bianca Araneta because of Sandara. And hindi dun natatapos ha. Si Bianca bumuwelta pa kay Sandara kaya may namuong alitan sa dalawa. Or should I say, na si Bianca Araneta lang ang pumuputak at wa-care naman si Sandy sa kaniya?! Ang medyo latest naman ay ang Star Circle Quest host na si Luis Manzano na naging super close na rin kay Sandara because of SCQ. Kaya after all, madalas daw na nakikita ang dalawa na magkasama. Umamin naman si Luis that she find Sandy really pretty. Pero wala pa ring linaw kung nanligaw nga ba itong anak ni Edu Manzano kay Sandy. And hindi diyan natatapos ang listahan ng mga lalaki sa buhay ni Sandara. May bago naman ngayon. Ang young drama actor na si John Lloyd Cruz! Nakita raw ang dalawa minsan sa ABS-CBN na magkaholding hands. As in HHWW or Holding hands while walking?! Sagot naman ni Sandy, wala raw holding hands na naganap. Nag-usap lang daw sila at yun lang yun. Pero usap-usapan ha na si John Lloyd na ang bagong nagpapalipad hangin sa super sikat na Koreana. At pinagsasabay pa raw sila ni Heart Evangelista. Ang taray naman ng level ni Sandy, kasabayan na yata sina John Lloyd at Heart. Pero above all, paano na nga ba ang kaniyang only Hero? Hanggang love team na lang ba sila. Totooo kayang wa-feelings itong si Sandy kay Hero at hindi pa rin mahalatang nanliligaw na si Hero sa kaniya. Ano nga ba talaga? Well, only this super popular Korean can answer all of this! #


Krystala HERO at SANDARA sasama na sa paglipad ni Krystala!
(November 25 2004)

AFTER Bcuz Of U, good news na naman ito para sa mga Hero-Sandara fans. Dahil ang isa sa pinakasikat at mainit na love team ngayon, of course Hero and Sandara ay makakasama na sa patuloy na paglipad ng nangungunang ngayong teleserye sa TV, ang Krystala. Si Hero ay ang pinakabagong super-hero na susulpot sa consistent top-rated superserye sa TV ngayon, ang Krystala. Makakasama siya ng super bidang si Krystala para sumupil sa kasamaan. Habang darating din siyempre si Sandara na isang mortal na kahuhulugan niya ng loob. Kasabay nilang papasok sa istorya ng Krystala si Pokwang na nakasama na rin nila sa Bcuz Of U. Tuwang tuwa naman ang love team dahil napakasuwerte daw nila para makasama sa teleserye ang isang bigating artista like Judy Ann Santos. Ang makasama nga lang daw nila ito as mentor lately when they were still questors on Star Circle Quest ay isa na raw karangalan, ang makasama pa kaya sa isang teleserye. Kaya, abangan niyo na lang ang pagdating ng pinakabagong superhero sa TV as portrayed by Hero Angeles. At patuloy na magiging prime time TV's no.1 and first-ever super serye ang Krystala. Dahil until now ay nauungusan pa rin nila sa ratings ang katapat na tele-fantasya ng GMA-7. Kaya kayong mga mulawin, mas lalo pa kayong kabahan! #


Hero and Sandara HERO-SANDARA love team, napataob sina Kristine-Diet at Echo-Angelica?!
(November 25 2004)

CERTIFIED blockbucter hit na sa ngayon ang first ever movie nila Hero and Sandara entitled Bcuz of You ng ABS-CBN's Star Cinema productions. First week pa lang ng 3 in 1 romantic movie ay dinumog na ito ng milyun-milyong tao sa buong bansa. Kaya naman milyun-milyon na rin ang kinita nito. Isa na naman ang Bcuz of You sa ilang super box-officed hit na pelikula ng Star Cinema. After Got to Believe, Ang Tanging Ina and Feng Shui nang magstart ang milenyo ay sinundan ito ng Bcuz of You featuring three of todays hottest love teams: Kristine Hermosa-Diether Ocampo, Heart Evangelista-Geoff Eigenman and for the first time on big screen, Sandara Park-Hero Angeles. Hindi nakakapagtaka kung bakit blockbuster hit ang first movie nila Hero and Sandara. Kung sa pagkain nga kumpleto na ang araw mo for breakfast, lunch and dinner. In one movie kasi featured ang 3 super kilig love stories and connected sila by an old Beatle car or much known as kotseng pagong. Maganda ang pagkaka-connect ng love stories. May pagka-matured na ang love story sa movie nila Tin and Diet, kikiligin ka naman talaga sa pagpapakipot ni Heart kay Geoff dito, pero above all, talagang matatawa and at the same time kikiligin sa story nila Hero and Sandara. Hindi mo aakalain na ang parating weakest questor ng Star Circle Quest at palaging tinitira na 'wa-talent' daw na si Sandara ay makaka-arte ng ganoon sa pelikula at iba daw ang appearance ni Hero na mas lalo daw gumuwapo on big screen. Iba na talaga ang napatunayan ng Grand Questor at Viewer's Choice ng Star Circle Quest. Pero, how true na ang love team daw nila Hero and Sandara ang mas lalong nagpaangat sa movie. Sila daw kasi ang mas inaabangan and pumapangalawa lang daw sina Heart-Geoff and Tin-Diet. Nung premiere night ng Bcuz Of U sa SM Megamall last November 16 ay dumagsa ang napakaraming fans and most of them were HeroSan fans. Kasi ba naman, halos lahat ng banners ay para kina Hero-Sandara and mabibilang lang ang para iba pang bida. Kaya pinag-uusapan ngayon na napataob nina Hero-Sandara ang love team nila Tin and Diet na kasama nila sa movie at ni Echo and Angelica na rin from Santa Santita na kasabayan ng kanilang movie. But infairness, kumita din naman daw ang Santa Santita nila Angelica Panganiban and Jericho Rosales pero sa totoo lang ay mas malaki ang kinita ng Bcuz Of U. Hindi rin maiwasang pag-usapan na napataob daw nila Hero and Sandara ang mga veteran young actors and actresses na sina Kristine Hermosa, Diether Ocampo, Jericho Rosales and Angelica Panganiban sa movie. Bakit sila Tin and Diet? Kung papanoorin kasi ang Bcuz Of U ay mas buhay na buhay ang episode nila Hero and Sandara na bawat eksena ay titilian, katutuwaan at kikiligin ka talaga. And why Echo & Angelica? Dahil sila nga daw ang nagpalakas sa Bcuz Of U ay natalo pa nila sa takilya ang Santa Santita. Among the three love stories, ang romance nila Louie and April (Hero and Sandara) ang romantic dramedy. Isang Korean si April na malaki ang pagkakautang kay Louie kaya hindi siya puwedeng mawala sa landas nito hangga't hindi nakababayad ng utang. While si Louie naman ang masungit na kuripot na breadwinner ng pamilya at parang hindi man lang marunong ngumiti at sobrang ang alaga sa kaniyang 70's na kotseng kuba. Sa pagsasama ng dalawa, doon mamumuo ang unexpected romance between the two different characters. Back to the issue: Tinalo daw ng romantic movie nila Hero and Sandara ang daring but filled with values na pelikula nila Echo and Angelica. Samantalang, ang mga kasama nila sa pelikulang sina Tin and Diet ay nahigitan daw nila sa lakas sa audience. Pero kung panonoorin ang movie ay masasabing maganda talaga ang pelikula, mula sa pagkakadugtong-dugtong ng 3 storya, sa mga bida at sa mga super nakakakilig na love stories. Sa sobrang hit nga ng pelikula ay baka magproduce din daw ang ibang local Film productions ng mga romantic movie trilogy (3 in 1). Dahil nung naghit sa lahat ng sinehan ang Got 2 Believe nila Claudine and Rico na romantic comedy ay sunud-sunod na naglabasan ang mga romantic comedy movies, nang naging blokbuster naman ang Ang Tanging Ina ni Ai Ai delas Alas ay sumunod naman ang mga dramedy movies, and when Kris Aquino's Feng Shui made it box-officed nationwide ay uso na ngayon sa Film industry ang mga horror films, as you see sunud-sunod na naglalabasan ito. After Bcuz Of You made a hit kaya ay may mga sumunod na namang trilogy romantic movies later? Well, proven that Star Cinema's Bcuz Of You has made again history on our country's film industry. Kaya baka ikaw na lang ang hindi nakakapanood, showing pa ang Bcuz Of You in all theatres nationwide. #


Hero Rainier, minsang natatawag na HERO! (November 20 2004)

MAS sikat nga ba talaga itong si Hero kaysa sa pilit ikinukumpitensiya sa kaniyang si Rainier? Kahit hindi Ultimate Survivor ng Star Struck si Rainier, ay mas ikinakabit ang pangalan nito kay Hero na Grand Questor bilang katapat, kaysa sa Ultimate Survivor na si Mark. Pareho kasing may ala-F4 look si Hero and Rainier. Sabi nga nila, si Rainier ay ang Ken Zhu ng Pilipinas at si Hero naman ang Vic Zhou. Mabubuo na nga daw ang F4 ng Pilipinas, dahil may Vaness Wu na rin na si Marvin Sia na winner ng ABS-CBN and Colgate's Trip Kita. Si Jerry Yan na nga lang daw ang kulang. Pero habang ipinagkakabit ang pangalan nila Hero and Rainier, na minsan ring umaming admire daw niya si Sandara, ay mas napag-aalaman kung sino ang mas sikat sa kanila. Sikat nga si Rainier, pero sa pagpasok ni Hero, mas sumikat ang Grand Questor ng Star Circle Quest. Ibinuking ni Ms. Kris Aquino sa The Buzz last Sunday, habang iniinterview sina Hero and Sandara, with the SCQ Jurors, ay ikinuwento nito ang isang insidente sa shooting niya ng movie with the Star Struck Final 4 nang madalas daw mabanggit ang pangalan ni Hero. Kuwento ni Kris, sa tuwing tinatawag daw ni Direk Joel Lamangan si Rainier, ay natatawag daw niya itong Hero. Ilang beses daw yung nangyari sa shooting ng pelikula nila na sinang-ayunan naman ni Ms. Gloria Diaz na cast din sa nasabing movie. Mas kilala kaya ng director si Hero kaysa sa Rainier? Mayroong bang pagkakapareho sa dalawa kaya halos mapagkamalan silang twins? Or, mas sikat nga ba talaga si Hero kay Rainier? You be the judge! #